Aca-ganapan

Rare opportunities

What is RARE? Yun yung choice mo kung paano ang gusto mong luto sa karne. CHOZ! Chossing aside, RARE is uncommon, unfrequently occurring. Yiz nagdictionary pako para naman di ako mawrong dito. At rare nga itong pangyayaring ito, actually, parang ngayon lang talaga mangyayari ito. Never pa itong nangyari before. Ilang beses ko na ba nasabi yung word na nagyari??

Ito yung RARE na sinasabi ko:

It was my Aunt’s birthday, at sa dinami dami ng araw, saka pa nawalan ng current. Oh yes, meant to be. Candle-light dinner tuloy ang drama namin, kain sa labas habang pinapapak ng mga lalakeng lamok. Alam ko kasi chineck ko yan. 

Andaming lafang. Under the sea ang peg kasi malapit ng ipalabas yung bagong show ng ABS. Yiz. Yan ang CUE family. Isang maliit na ang angkan dahil nagtitipid, puro tig-isa lang ang mga junakis. 

Since brownout nga, puro blurred ako kuha mez. Naubos battery ko sa kakatest shot at nabawasan ang cellulite ko kakatakbo pagkatapos mai-set ang timer. 

Ang konti ng angkan, kelangan ko na ata dagdagan! Humayo’t magpakarami sabi nga ni.. ewan, basta me nagsabi nun. 

Natuwa lang ako, di sila sanay sa continuous shots! Nasisilaw sila sa flash. Buti nalang me i’m so sanay na kaya todo emote parin ako. Ite-train ko na dati yung pamangkin kong negra ang peg ngayon para habang maaga, handa na siya sa mga kakaharapin niya sa future.

After 10 years, wala paring kuryente. Haha. So nung naubusan na ng chika, at mejo late narin, tinapos namin ang gabi with a picture. 10 shots ulit. Sinadya ko talagang ganun para ako lang maganda. Hahaha.

From the 5 sibs, 3 have their own families na and two are single. Dun sa 3 na yun, tig isa lang ang anak, so basically, 3 lang kaming magpipinsan.

FIN.

<3lots,

A.

Standard
Aca-ganapan

5 pesos

Isang araw, pupunta kami sa Solana to attend Jen’s baby shower. While waiting, one of our patients, Father Chenes, who just just discharged asked us kung san kami gogorabels. Pero siyempre, hindi naman gorabels yung term na ginamit ni Father. What a coincidence lang na nung sinabi niyang “sa Solana kayo?” “Opo” sabi naman namin, hanggang sa ayun nag offer na siya! “Sabay na kayo!”

Siyempre nung una, shy type. Lam mo na mga pinoy kunwari ayaw pero like na like naman. “Hindi na po Father” pero isang pilitan lang sumakay na agad! And take note, hindi lang isa o dalawang tao yung hinitch nya kung PITO! haha. Yan ang sinasabing ina-vail ang offer.

On the way, hulaan mo soundtrip ni Father! Ano pa kundi …….

Sorreh, lubak kasi ang daan

Habang nasa sasakyan, medyo iba yung dinaanan ni Father. Pak! Baka nagsisisi na siya sa offer at biglang bawiin niya! Sasabihin nalang nyang, “Ay sorry, may iba pa pala akong pupuntahan” or worst, baka nagpapanggap lang pala siyang Pari tapos kikidnappin kami! Pero imagination ko lang lahat yun. :)

Noong tinanong niya kung saan ang eksaktong destination namin, sabi ng mga kasama ko sa Centro daw. Eh sa pagkakatanda ko, hindi dun! WRONG! Sayang ang offer kung hindi iavail! Chos. hehe. Siyempre nahihiya naman kami. Pero nung sinabi ni Father na special delivery niya daw kami sa patutunguhan, wit ako nag agree! Sabi ko sa sarili ko, delivery lang ito, wala nang special kasi di naman niya tinodo! Buwaahahaha. 

At ayun, bilang may ethics naman kami at GMRC noong mga estudyante pa kami, bumaba nalang kami sa palengke at nagjeep nlang at ito napo. Dito lang kami gumastos! From Centro Solana to our destination, 5 pesos lang! 

Aiden. Cor. Ate Binang. Ate Maybelle

Against the light!

Let there be light!

At nakarating na! Parang community nursing lang, at kunwari katatapos ng ocular survey at pabalik na ng staff house

Ayan! We’re heyir! Meet our community instructor, Jen! Siya yung nagpapa baby shower. Hindi niyo nahulaan noh?

Naihi ata si Jen!

Lafaaaaaaaaaaaaaaaaaaaang! Ay, hindi pa pala. 

Wala ng pictures nung lumalamon kami kasi we’re too  busy. Sarap lang ng food, at siyempre, wala akong kaide-idea na magseserve si Jen ng siomai. As in na-shock ako na may siomai pala! Rare kaya un. #sarcasm101 (tindera kasi siya ng siomai sa hospital). After food, chika chika while waiting for the controversial couple. Chos! Mag best daw sila.. :) Tweety and Sylvester? Hahaha. Chos ulit. 

Since magga-gabi narin, eto ang walang kamatayang timer mode! Groupies!

Madami pa yan actually, pero yan ang mga best picks. Arte? Pero eto walang arte, just look at the sky. I fell in love again. Sigh.

Breathtaking. Haaaaay. Pero di pa jan nagtatapos ang lahat! So sa pag-uwi, libre parin! Hahahahaha. Hinatid kami ni Kkkkcrishshshshshstiaaaaannnnhhhh (pronounce it that way para efek lang!). Oh diba? What is 5 pesos!

Shalang-shala lang ang natipid that day! I love et with matching <3. Oh, hindi mo pa ba nahuhulaan soundtrip ni Father? Pwes kung hindi pa, ito na!

Nandito ako by Ogie Alcasid. Siguro, may pinagdadaanan si father. Oh siya, Baboo!

<3lots,

A. 

Standard