Blabbermouth

Random Snippets #9: Agosto!

August 1.

I was supposed to start writing about how uneventful my last couple of days were but I suddenly remembered, WITITIT! Things were actually quite intense for me! Starting off with our family’s new little nugget, my nephew – Baby Chio!

I honestly can’t wait to go home and kiss him! This is really exciting cause the last time our family had a baby was more than a decade ago! Sabik na sabik na mga lolos and lolas and of course, Mama Aca!

Also recently, I’ve met a certified professional singer na World Champion (WCOPA) levelling and I just have to tell you that I actually asked him if we could do a collab. Ansabeeeeeh! Nahiya yung asawa ko for me hahaha! Although when it was karaoke time, natameme nalang yung lola nyo. Ganun pala pag singer talaga, mahihiya ka nang sumabay kumanta kasi mareremind ka nung capacity mo in terms of singing- which is wala hahahha! I actually thanked him for blessing our house with his voice. Feeling ko naiyak yung pader na nakarinig na siya finally ng totoong singer, hindi yung mga voice namin na pang puchu puchu lang.

Work has been, errr, okay? It has been so busy as usual but I am really enjoying kahit minsan, I can feel burnout creeping in which is partly my fault kasi 6 days a week din lumalagari ang ate nyo eh pwede naman magpahinga. I also like being challenged with the strategic side of things and I’m hoping and praying they grant my request for further study. Peg ko talaga umabot sa PHD levels, charot!

In other news which is nothing new: napako nanaman po ang pangako kong pagpapapayat hahahah! Promises are made to be broken talaga ayoko na nga. Bahala na!

In 2 weeks, I’ll be flying to Amsterdam pero this time, it’s with my becklings!!!!! Pa-girls trip ito for Janus’ birthday so nakaka excite mga mamsh! Booking na ito (sila lang, bugaw ako) chereeeeet!

On to a bit of a sad news, we’ve just sold our other car. Sad cause I didn’t really get the chance to use it (was supposed to be for me) but it just made sense cause it’s just stuck and parked at the house masisira lang siya. We also have the same schedule at work so parang what’s the point of taking separate rides diba sayang sa gas so ayun, ni-let go nalang namen.

Speaking of letting go, 6th month nang facebook-less! I’m actually contemplating if I would still want to go back just for the fun of it. I thoughtI couldn’t do it cause I was already sucked into deep pero kaya naman pala, and I must admit, ang saya at ang gaan!

May gusto pa sana ako i-share pero I think I’ll save it for another entry para mas detalyado ang chika ko. Ang masasabi ko lang, today I just wanted to play around with my camera and some make-up. I just felt I’ve been so haggard and sick the last few days gusto ko lang din mag inarte. In doing so, I realised how my usually unruly hair cooperated. In fairness di siya nagwawala today. Thinking of going blonde tomorrow for a change. Hmmmmm.

PS. Puro full fez shot lang para di kita yung taba! In fairness sa camera wala nang edit edit pak pak upload na agad!

Standard
Blabbermouth

Padampi kahit anino

I’ve had my fair share of relationships and heartbreaks. From an absentee father, to a failed long term relationship to the almost/ getting-there but didn’t get there relationships stages. Si Piolo Pascual at Regine Velasquez ang may pauso nito eh char! Ang shaket shaket besh!

Nung hiniwalayan ako nung unang jowa ko over the phone, sobrang naalala ko yung humahagulgol talaga ako sa loob ng banyo. Tapos ang malala pa, biglang tumugtog pa sa radyo yung All or Nothing ng O-Town tapos yung linyang “is this how it ends with a simple telephone call, you leave me here, with nothing at all” parang anuna besh unang heartbreak ko ito ang OA pero nadama ko talaga yung physical pain sa heart ko! I thought matututo nako pero now and again, untog padin si girl. I’ve had series of poor decisions and emotion-driven choices na ang ending, may kalakip na official soundtrack sa pag eemote. Minsan ang sarap lang talaga umiyak habang nasa tumatakbong sasakyan habang umuulan at nakadungaw sa bintana sabay tugtog nung “how can I make you love me if you don’t” na version ni Auntie Adele sa Royal Albert Hall. Yung kahit di ka man mag open up about how you’re really feeling, alam mong anjan yung mga songs that describes exactly exactlyhow you feel tapos dadamhin mo lang yung sakit, curl up into fetal position, iiyak ng ilang araw, linggo, buwan hanggang sa one day, gigising ka nalang feeling better. Better and lesser eye bags each day.

Anyway, ang tinutumbok ko talaga dito is gusto ko lang i-share na a few years ago, I found the ultimate heart break song and I could say one of the best written filipino song ever. Yung kahit okay naman ako ngayon wala naman ako pinagdadaanan pero tuwing naririnig ko yung song parang damang dama ko parin talaga yung emosyon ng bawat linya.

Gulong gulo ang puso
Saan ba ‘to patungo?
Di ko alam
Di ko alam

Hinarap lahat ng balakid
Pero bakit walang kapit 
Ang mga pangakong binitawan?
Di ko alam
Di ko alam

Noong ika’y nilalamig, ako’y iyong init
Kapag takot sa bukas, ako’ng unang sisilip
Ginawa ko na ang lahat
Di pa din sapat

Kasi ika’y mawawala na
Nawalan ng gana ang tadhana
Nanlalamig ‘yong dating nagbabaga
Kung maibabalik lang sana

Titiisin ko na kahit paulit-ulit
Tapos pipilitin ko na di maulit
Ang masulyapan mo yung dulo
Akala ko walang hanggan pero may dulo
Bawat segundo sa aking puso iuukit
Lahat ng alaala aking iguguhit
Para makalimutan mong may dulo
Ang sabi mo walang hanggan
Pero eto tayo sa dulo

Kailan ka ba napaso?
Nanlalamig na ang iyong braso
Bakit ganyan?
Bakit ganyan?

Kung pwede lang pakisagot lahat ng bakit
Saan galing ang galit?
Mayroon bang nang-aakit?
Kailangan ko lang malinawan
Bakit ganyan?
Bakit ganyan?

Handang panindigan lahat ng ating plano
Sigurado kahit di kabisado
Gagawin ko ang lahat
Walang pake kung di sapat

Kasi ikaw ay mawawala na
Nawalan ng gana ang tadhana
Nanlalamig iyong dating nagbabaga
Kung maibabalik lang sana

Iindahin ko ang sakit na gumuguhit
Ngingiti sa likod ng luhang pumupunit
Baka masulyapan mo yung dulo
Kasi sabi mo walang hanggan, ba’t merong dulo?
Ibibigay ko ang lahat paulit ulit
Bawat pagkakataon ay aking isusulit
Basta matalikuran mo yung dulo
Ang sabi mo walang hanggan
Ba’t na’ndito tayo sa dulo?
Sa dulo...

‘Wag ka munang tumalikod
Bumalik ka muna dito
Padampi kahit anino
Ayokong mag-isa dito
Wala na bang bisa aking dalangin?
Tinataboy na ba ng langit?
Nakikiusap na lang sa hangin
Ngayon wala ka na sa akin

Bakit ba biglang meron tayong dulo?
Pangako mo walang hanggan
Bakit nandiyan ka sa dulo?
Pwede bang kalimutan mong may dulo?
Handa ‘ko sa walang hanggan
Pangako mo walang hanggan
Akala ko walang hanggan
Pero eto tayo sa dulo

Kung ika’y mawawala sa aking piling
Dinggin mo aking bilin
Lingon ka lang paminsan minsan
Dito lang ako
Di ako lilisan
Sa aking dulo, di ako lilisan

Inaano ba kita Quest? Ang sakit sakit lang nung song di ba? Alam mo yung natumbok niya lahat. Pero ang sarap din pakinggan at damhin bakeeet!? Pero seryoso, sobrang galing nung song di ba? Sobrang simple pero sobrang lalim abot apdo; parang everytime naririnig ko nagfflashback lahat ng mga naganap in the past pero not in a horrible way naman. It’s more of parang nagdaan man sa ganito, andun nako sa point na thankful parin for everything that has happened and I have nothing but well wishes for all of them (wow kele me nemen eng deme eh!).

Standard
Blabbermouth

Random Snippets #8

• I’ve received an overwhelming response recently with whatever I’ve been writing here. Nakakatuwa at di ko inexpect kase di ko naman talaga siya minemega share and in a way, nakakatuwa din na may mga natutuwa at may natutulungan. I love writing about anything but ang main aim ko talaga for starting this blog is because I am quite a memory keeper one of my fears is that one day, I’ll forget. So ever since I was young, mega sulat nako ng mga ganap ko sa buhay. Tapos whenever I feel down or just feel like reading, I’ll just look back, matawa, maiiyak, matututo at maiinspire.

• Di na it’s coming home beh, their coming home nalang. Sayang nag english sando pa naman ako.

• Magkaka jollibee na daw dito sa London. Chicken joy please!

• Napakainit sa Inglatera ngayon, namiss ko na yung sweater weather

• Di pa din ako pumapayat anuna

• Kagagaling ko lang sa bakasyon recently pero 3 days back to work I feel so mentally drained already. Baka kelangan ulit ng bakasyon, char! Or a good massage siguro.

Standard